Art from: https://pin.it/1ftQ4gV

“Ang pag aaklas ng isipan sa matagal nang ipinagdidiinan sa puso mula pagkasilang”

Tits&Bones
2 min readJul 1, 2023

Hindi na ako naniniwala

sa langit at impyerno sa diyos at sa mga santo

bagkos ay natututo sa mga aral ng nakaraan, nabubuhay sa kasalukuyan

at umaasa sa kinabukasan.

Walang libro ang nakapagturo ng aral

namaikukumpara

sa tunay kong eksperyensya

na sa kada paghiga ko sa kama

at pagpikit ko ng mga mata

dito ko lamang malalaman na

ako ay tunay at lubusang nag iisa.

Takot ako at madalas irita

sa mga mapanghusga sa kapwa

na mga santong naka uniporme

at may takip sa ulo na puting tela.

Mga perpekto at walang kapintasan

na mga marites sa kanto

na kada linggo ipinagmamakaawa

na mapatawad ang kanilang mga maling gawa

pero inuulit parin nila.

Hindi ako pumupikit sa kasamaang nakikita araw-araw bagkos ay nagsasalita

dahil di ko malaman kung saang parte ba ng bibliya

sinasabing hindi pwedeng pumasok ang mga taong grasa

sa tahanan ng diyos na sinasamba nila.

Ayokong makiisa sa paniniwala

na ang lahat ay mapapabuti maniwala ka lamang sakaniya

mas higit akong nainiwala

na sisikat ang araw silangan at sa kanluran magpapahinga;

Hindi ako kumakapit sa mga mirakulo

Sapagakat mas kapanipaniwala ang reyalidad at katotohanan

na kahit sukong-suko ka na

ay may bukas pa.

#Paglaya #AngKalansaysaKabinet #Tula

#FilipinoPoetry #FreeVerse

--

--